Kamatis, Pampaganda ng Balat
Image Source |
Sa ngalan ng pagpapaganda, lahat tatakpan, basta’t ang kutis
na pang artista ma-achieve lang. Huwag panghinaan ng loob, dahil ang susi sa
makinis na kutis ay ang walang iba kundi ang kamatis. Ang kamatis ay suking sawsawan o pang
gisa ay mabentang sangkap dahil bukod sa pagiging malinamnam at maasimasim,
siksik din ito sa mga bitamina at sustansya na kontra sa kanser at diabetes.
Pero higit pa sa health benefits pambato rin ito sa pagkakaroon ng kutis
porselana.
Kung pinoproblema nyo
ang maitim na pimple marks, pwedeng masolusyonan yan ng tomato at sugar scrub.
Yung tomato at sugar na kombinasyon ay epektib sa black pimple marks. Paano
gawin? Narito:
Image Source |
1.
Hiwain lang ang kamatis sa gitna
2.
Isawsaw sa asukal
3.
I-scrub ng paikot sa balat
Ang anti oxidant na lycopene na mayroon sa kamatis,
binabanat ang balat habang tinatanggal ng asukal ang dead skin cells. I scrub
ito sa balat sa loob ng 10 minuto bago banlawan, gawin ito isang beses isang
araw hanggang sa pumusyaw ang mga peklat.
Kung pagpapaputi ang iyong nais, subuan ang tomato at lemon
face mask. Yung tomato marami syang bitamina tulad ng vitamin C. at tsaka
vitamin D, ang lemon naman ay mayroong citric acid, ang pinagsamang extract ng
kamatis at lemon ay epektib sa skin lightening. Paano gawin? Narito:
Image Source |
1.
Hiwain lamang ang kamatis at tsaka durugin ng
pino
2.
Kapag kumatas na ito, pigaan ito ng lemon saka
haluin
3.
Ready na ang kamatis at lemon facemask
4.
Ipahid ang mixture sa balat, sa loob ng 15-30
minuto at tsaka banlawan. Gawin ito dalawang beses sa isang lingo para
mapaganda ang skin tone.
Para ma maintain ang young looking skin, gumamit araw araw ng
kamatis at pipino solution. Paano gawin? Narito:
Image Source |
1.
Hiwain ng maliliit ang kamatis at pipino ,
dikdikin ng mabuti, at tsaka ay pigain
2.
Salain ang katas
3.
Gamit ang bulak, ipahid ito ng paikot sa mukha.
Ang pinagsamang cooling properties ng kamatis at pipino ay
nakakatulong para maiwasan ang kulubit sa balat. Ang mataas na vitamin C
content sa kamatis ay nakakatulong para maalis ang oily skin sa balat na
nagdudulot ng taghiyawat.Hindi na ito kailangang banlawan para maabsorb sa balata
ng nutrients. Gawin ito dalawang beses isang araw para sa young looking stress
free skin.
Ilan lang yan sa mga health beauty benefits ng kamatis, kaya
bakit pa kailangang gumastos ng napakalaki para sa pagpapaganda, sa sariling
kusina matatagpuan na ang susi sa pagpapaganda.
No comments:
Post a Comment